Wika ng Pagkakaisa
Wikang Filipino.
Ang tanging wika na kung saan tayong mga Piipino ay nagbuklod sa kabila ng
mapakaraming dyalektong ating ginagamit. Ito rin ang dahilan kung ba’t tayo ay
nagkakaintindihan sa kabila ng nakaparaming dyalekto at lenggwaheng ating
ginagamit.
Kung ang Wikang Filipino ay patuloy na gamitin, ang ating bansa ay mas uunlad pa. Kaya dapat nating itong pahalagahan dahil ito lang ang wika na kung saan tayong mga Pilipino ay nagkakaintindihan. Kaso nga lang marami sa atin ang hindi gumagamit sa ating wika. Minsan mas gugustuhin pa nilang gamitin ang ibang lenggwahe gaya ng Inggles. May mga Pilipinong gumagamit sa lenggwaheng ito kasi karamihan sa atin na kapag ginamit mu ang lenggwaheng Inggles, ang tingin natin sa kanila ay mga sosyal na tao. Kaya minsan ang Pilipino napunta lang sa ibang bansa nakalimutan na ang ating pambansang wika.
Kay lungkot mang isipin pero totoo. Ang
iba nga naging mayaman lang Inggles na ang ginagamit na lenggwahe kahit andito
sila sa Pilipinas. Kaya Wikang Filipino’y gamitin, mahalin at palaganapibn
tungo sa maunlad na Pilipinas.