Sunday, August 24, 2014

Wika ng Pagkakaisa

         
Wikang Filipino. Ang tanging wika na kung saan tayong mga Piipino ay nagbuklod sa kabila ng mapakaraming dyalektong ating ginagamit. Ito rin ang dahilan kung ba’t tayo ay nagkakaintindihan sa kabila ng  nakaparaming dyalekto at lenggwaheng ating ginagamit.

       Kung ang Wikang Filipino ay patuloy na gamitin, ang ating bansa ay mas uunlad pa.  Kaya dapat nating itong pahalagahan dahil ito lang ang wika na kung saan tayong mga Pilipino ay nagkakaintindihan. Kaso nga lang marami sa atin ang hindi gumagamit sa ating wika. Minsan mas gugustuhin pa nilang gamitin ang ibang lenggwahe gaya ng Inggles. May mga Pilipinong gumagamit sa lenggwaheng ito kasi karamihan sa atin na kapag ginamit mu ang lenggwaheng Inggles, ang tingin natin sa kanila ay mga sosyal na tao. Kaya minsan ang Pilipino napunta lang sa ibang bansa nakalimutan na ang ating pambansang wika.


       Kay lungkot mang isipin pero totoo. Ang iba nga naging mayaman lang Inggles na ang ginagamit na lenggwahe kahit andito sila sa Pilipinas. Kaya Wikang Filipino’y gamitin, mahalin at palaganapibn tungo sa maunlad na Pilipinas.  

No comments:

Post a Comment